"FILIPINO"

 

Filipino

Wika, ay isang simbolo Salita ng bawat Pilipino Taglay ang iisang kwento Ang pagkakaisa dahil dito Wika ay isang pagkakakilanlan Kultura ng kabayanihan Nang dahil sa wika, tayo'y nagkakaintindihan Sana ay mapahalagahan natin Filipino, ang sariling atin Wika, ay isang instrumento Ito ay tulay ng pagbabago Wika ay isang kapangyarihan Nang dahil wika, tayo'y may kakayahan Kakayahang umusad Nang dahil wika, tayo'y may kalayaan! Kalayaang umunlad Sana ay mapahalagahan natin Filipino, ang sariling atin Wika ay isang sandata Gabay sa maayos na kalagayan Wika ay isang halimbawa ng ating magiting na kalayaan Tayo ay may wika Filipino: Wikang Mapagpalaya


Comments

Popular Posts